buhay ko... c",)
Sep. 30th, 2004
10:00 am
hey... i'm moving from here to xanga...
xanga nlng gagamitin ko... hehehehe so anyways, xanga site ko ay ceani... ingatz nlng kayong lahat!! c",)
Jun. 1st, 2004
07:45 am - grad night
nagkaroon kami nung last saturday ng parang prom uli... ehehehhe doon kami sa isang hotel sa vancouver... aliw na aliw ako todo... sobrang madami akong kinuhang mga pictures kasama ng mga kaibigan at teachers ko kaya aliw na aliw ako... heeheheheh ang ganda din ng hotel... nakakaaliw din yung pagkain... meron muna kaming tinapay at butter, tapos binigyan kami ng CESAR salad... tapos merong chicken at vegetables... mmmmmm.... tapos may sayawan uli at meron kaming live dj na nagpatugtog ng music... hheehheeh nakakamiss sumayaw... ang sarap nga pala... ang dami din sa mga batch mates ko na nagdala ng limo.. medyo uso kasi yan dito pag grad night eh... hati hati mga tao para sa bayad kasi sobrang mahal nga talaga nun... anyways, after ng grad night namin, iba sa nangyayari sa pilipinas, nagkaroon kami ng aftergrad... parang party ito hanggang umaga... ginagawa to kasi baboy yung iba sa mga tao dito pagkatapos ng grad night at para mas safe mga tao dito... aliw din yun!! ginawa sya sa gym ng school namin.. yung malaki naming gym ay hiniwalay sa dalawa.. sa unang gym, meron uling dj at sayawan, at may mga mesa, tapos doon sa dulo, merong palaruan ng blackjack at gambling pero fake money ang gamit nila na binigay sa amin pag pasok... sa kabilang gym, merong malaking jousting ring at sumo wrestling ring na inflated pareho, at meron ding fake tatoo table, at meron ding hockey game, football game, at mini golf course... ehhehehehe aliw na aliw ako... kaya lng di ako nakatulog buong gabi... pero masaya sobra... kailangan ko lng bumawi na ngayon sa tulog... =D
May. 27th, 2004
May. 25th, 2004
07:46 am - heheeheheh
aliw na aliw ako... last wednesday, umakyat ako sa harap ng buong paaralan at kumanta ako... eheehhehe aliw ako... ang sarap pala gumawa ng ganon!! =D ehheheheh tapos medyo malaki yung suporta din sa akin, na tipong kahit saan ako tumingin, may nakikita akong kaibigan ko kaya di ako masyadong natakot... kaya lang nakagawa lng ako ng 1 verse at refrain bago nila ako pinutol dahil nauubusan na kami ng oras... pero ok lang... ehehehhehe di naman masama yung sinabi sa akin ng mga judges din.. medyo ok lng naman daw ako.. nakascore ako ng mga 20.5 out of 30... ok na yon kse yung pinakamataas na binibigay ng isang judge ay 8... heehehhehe =D kaya masaya na ako doon... ehheeheh pero di lang ako umabot sa finals pero masaya na ako na nagawa ko yan... heehheh anyways, yan lng naman yung balita ngayon.. masaya ako ng konte kasi kahapon, la kaming pasok dahil victoria day dito... heehheh nakapagpahinga ako ng konte kaya ayun... ehehheheeh anyways, gotta go na ako... babalik ko pa yung gitara ng school... =D
May. 19th, 2004
10:01 pm - jasmine is out!!
oh no!!! eliminated na si jasmine.. hehehehe la nang pilipina sa american idol
:(
07:34 am - oh boy...
in a couple of hours, i'm gonna be standing in front of the whole school trying to sing. i am so nervous and tense now... oh boy... i'm gonna get some support from some people there already, i even have a friend who's gonna make me a sign... heheehheeh i don't wanna sound bad!!!!!!!!!! oh boy!!!!!!! i hope i sound good... i hope that it will all be alright!!!!!!!!! I GOTTA DO IT!!!!!!!!!!!!!!!!
May. 12th, 2004
07:48 am - help!!!
grabe... sobrang kinakabahan na ako ngayon... next week, nakasali ako sa parang idol contest sa school... kakanta ako sa harap ng maraming tao!!!!!!! augh!!! kinakabahan na ako ng todo.. practice na ako ng practice para di ako mapahiya... pero baboy!!!! sana maganda yung lumabas... eheheheheheh anyways, ano ba bago ngayon... heheheheheh yan na siguro yung pinakanakakatakot na news sa akin ngayon... sa thursday, may upcoming calculus test ako... tapos ngayon, may chem lab ako tungkol sa redox reactions... eheheheheh tapos... la na akong ibang masabi pa ngayon... baboy... kailangan ko magpractice ng todo!!! AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!
Apr. 27th, 2004
07:43 am
haaay nako
hanggang ngayon, di pa ako makapaniwala na nandito ako sobrang layo sa pilipinas... nakakatakot tumingin sa paligid at makakita ng iba ibang klase ng lahi ng tao... nalulungkot ako ngayon.. siguro homesick lng nanaman ako... =( anyways, eto yung isa sa mga pamatay na weeks ko ngayon... daming kailangan matapos at maraming mga mangyayari... magpapakawala kami ng mga salmon sa stream kasama ng environmental club sa thursday... magkakaroon kami ng survivor night sa friday kasama ng mga youth groups sa coquitlam para sa youth week... tapos kagabi, nakita namin yung bahay na sinusubukan naming bilhin kasi binenta na yung bahay namin ngayon... =( sabay ngayon nadedepress ako kasi talagang parang miss na miss ko na talaga pilipinas at yung mga kaibigan ko doon... =( hehheheheehhe
Apr. 15th, 2004
07:45 am - hehehehheeh... long time no see
heheeheh tagal ko nang di nagsusulat dito ah... sobrang busy na busy kse ako ngayong mga araw na ito eh... medyo bumaba ako sa calculus kaya sinusubukan kong bumawi ng todong todo.. tapos sa sobrang dami na ng mga extra curricular activities, sobrang wala na akong oras... heehheeheh pagod na nga ako ngayon super eh... =D anyways, ano bago...? excited na ako sobra para sa darating na weekend... heehheheeh pero mas masaya yung mga nangyari sa araw na yon last year... hhehheheeh nakakamiss na kayong lahat... baboy sobra.. =( pero anyways, may parating din akong track meet na sasalihan kaya lang malamang, sobrang matatalo ako kse la ako masyadong practice... heheheheheh nakakalungkot din kse gragraduate nanaman ako ng high school... nakakalungkot umalis ng high school talaga... hehehehehe ang dami mong mamimiss... =( haaaaaay nako... anyways, alis na ako... gawa pa me ng homework...
Apr. 7th, 2004
07:45 am - heheheehhe
katabi ko ngayon yng isa sa mga nagugustuhan ko dito sa school... heheehhehe la lang.. =D
Mar. 28th, 2004
09:36 pm - 30 hour famine
ang sarap sobra ng 30 hour famine... promise... medyo late lang ako nagsulat ng entry ko tungkol dito kasi nagpapahinga ako at lahat... hehehehe masarap nga kaya lang sobrang nakakapagod... anyways, nung dumating ako doon, konte lang sobra kilala ko doon... tapos may mga nakita akong mga kaibigan ko at sinamahan ko muna sila... nandoon kami sa banda gym area ng school "natulog" pero di naman ako actually natulog... heheehhe naglaro kami ng video games at basketball at badminton buong gabi... tapos may mga movies din na pinalabas sa student lounge.. isa ata sa mga movies yung finding nemo... tapos meron ding dumating na caricaturist... astig sobra... ngayon lang ako nakakuha ng caricature ko... hehehehe ginawa nya akong spong bob cesar... sponge cesar daw... :D heehhehe sana pwede ko ipost dito... anyways, ngayon, sobrang dami ko nang hinahabol... baboy kasi yung chem eh.. nakakapikon talaga magnotes tungkol sa book... baboy talaga... tapos kailangan ko pa magaral ng calculus... kakapikon... tapos... anyways, sunday na ngayon dito... heehhehe mag10 na ng gabi... hhahahahaha hyper at stressed ako ngayon... baboy todo... :D
Mar. 26th, 2004
12:35 pm - haaaaay nako
ok... pagod ako ngayon...
hehehheeheh tagal na akong di naguupdate ah!! anyways, ano na ba bago ngayon... hmmm... tapos na yung spring break namin at back to work na uli... sobrang namimigay ng todong daming stuff yung chem teacher ko at may test ako coming up in the next block... anyways naman inaral ko na yun eh kaya ayoko na isipin pa... also ngayon, matutulog ako sa school... sumali ako sa "30 hour famine" di dapat ako kumain ng 30 hours para sa world vision kaya gumawa sila ng parang sleepover para doon... heeheheh nagsimula kami ng 12 midnight kagabi at matatapos kami bukas ng umaga ng 6 am... eheheheheh baboy... gutom na ako... tapos, nakasali na rin ako sa choir namin sa school... heeheheh la lang... nakakaaliw lang talaga.... ehhehehehe baboy... sana spring break uli... :( heheheheheheeh
Mar. 15th, 2004
08:52 am - spring break
hello lahat!!!
spring break na ngayon at sobrang plano ko today na maglinis lang ng kwarto ko...
hehehehehehe spring cleaning lang muna ako... baboy kasi eh... since last year, dahil sa provincial exams, sobrang gulo gulo na ng lahat at di ko na naayos... hehehehehe anyways, nabura halos lahat ng plano ko ngayong week... sayang din this coming friday sana, manonood ako ng libre ng concert ni joey albert dito.. hehhehehehe nagpapatulong kasi yung kaibigan kong pilipino sa choir para magayos at magsetup ng lugar eh... tapos since magiging crew ako, pwede na ako manood... kaya lang sa friday, pupunta dapat ako sa UBC... hehehehe university of british columbia... titignan ko lang yung lugar.. dami kong narinig sa lugar na yan eh... para daw syang maliit na city kasi daw may sarili na rin daw syang highway at lahat... magkikita pa kami ng kaibigan ko dyan at papakita daw nya sa akin lahat ng mga malilinis na banyo sa school... heheheheehheheh grabe kaya... medyo nagiging boring na yung spring break ko... =( nagaaral na rin ako ng todo sa guitar ngayon... heheheehhe para magaling na ako pagbalik...
anyways, yan lang muna... ingatz lagi!!
Mar. 8th, 2004
09:04 am - malapit na spring break!!!!!!!!!
hhahahahaha
sana bakasyon na!!!!!!!!1
anyways, back to school uli ako ngayon today...
baboy..
monday nanaman... tapos magaaral nanaman ng mga stuff stuff... sobrang iksi lng siguro nitong entry na to kse maguumpisa na klase in like 5 minutes...
anyways, my weekend was like, not so good, because like, i didn't do much except for like, the stupid chemistry homework that took like, so long to do... i like speaking canadian eh? hehehehehe la lang!! kakaaliw lang talaga... awesome right? =D anyways, la nga akong masyadong like nagawa nung weekend kasi sobrang baboy ung like chem teacher namin... binigyan kami ng sobrang habang chapters tapos gagawan daw namin ng notes... pero siguro, yung ganon di na like big deal sa mga like college peeps na nagbabasa nito ngayon... hehehehehe anyways, sana its like friday na because like, after that, i get a whole week off for spring break!!!!!! its like such a big break after all those like stuff...
ayoko na... may canadian speaking virus na ako... hehehehe like gotta go... school is like starting like right now... hehehehehe
Mar. 4th, 2004
07:52 am - haaaaay nako...
augh... pagod na ako... medyo vacation mode na rin ako dahil parating na yung spring break namin... heheehehhe 2 weeks to go!!!!!!!! =D anyways, ano na ba bago... heeheheh may bago na akong sport!!! sumali na rin ako sa track and field team sa school namin... astig!! ang sarap tumakbo!! heehehheeheh labo e... pero masarap talaga... malamig pa naman yung panahon kaya ang sarap ng feeling ng malamig na hangin habang umiikot sa parang oval na thingie...
nagiisip na rin ako sa prom ko ngayon... di ko alam kung sino tatanungin ko... kung tutuusin nga e, parang ayaw ko na pumunta e... masaya na ako sa mga nangyari noon sa ateneo eh... eheheheheheh baboy! c",) ah... bahala na...
anyways, sa school, ok naman ako... nagkaroon ako ng parang calculus long test tapos ok naman sya... eheheheh bahala na kng ano yung lumabas doon... tapos nagaaral ako ng todo ngayon para sa isang parating na chem long test para sa pangalawa namin na unit tungkol sa equilibrium... tapos astig na rin yung guitar namin... may kagrupo na akong dalawang tao tapos nagtutulungan kami doon sa gitara... eheheheh sarap maglaro ng gitara ng parang ensemble na tatlo kami... ang cute ng mga kanta... eheheheheheh ano pa ba...? magkakaroon ng parang 30 hour famine sa school namin in a couple of weeks... parang di ka kakain ng 30 oras para sa mga bansa daw na di nakakakain and stuff... tapos may parang class night pa naman dahil magoovernight kami sa school para doon kaya masaya din yun sigurado... heheheheehehhe anyways, alis na ako... eheheheh gawa pa ako ng notes and stuff... baboy.. =p
Feb. 29th, 2004
Feb. 25th, 2004
01:59 pm - ugh... baboy...
baboy... pagod na ako ngayon...
dami ko na ata masyadong mga sinasalihan na grupo...
pinakarecent na endeavor ko ay sinalihan ko na rin ang track and field team ng school namin dito... balak ko sana magising ng maaga para magjogging sa Lafarge Lake na katapat lng ng school namin... ehehhehe pero sinasabay din ito ng swimming... ah... bahala nlng... =p anyways, ano pa ba bago? naaliw ako ngayong araw!! di na ako masyadong nalilito sa lesson namin sa calculus.. ehehehheeh nagegets ko na.. pati na rin yung chem... eheheheh
anyways, nasa school ako ngayon... sa library namin sa pinetree secondary... kakagaling ko lang sa meeting ng environmental club namin dito... yung teacher namin, excited todo kse pupunta daw sya sa ecuador and stuff... eheheheheh =) galing din ako sa mall ngayon ngayon lang din... layo... kakapagod maglakad... heehehehhe pero yung mall kasi, walking distance lang from the school e kaya madali lang puntahan... siguro mga 10-15 minutes... =D
anyways, naghihintay nlng ako kasi may meeting ako mamaya kasama ng isang youth group ng community namin... ash wednesday pa naman ngayon kaya magsisimba din ako mamayang gabi... eheheheheh anyways, gotta go na muna... tatapusin ko pa notes ko for chem... eheheheh baboy... =p
Feb. 22nd, 2004
07:23 pm - happy sunday
hello... got up at 7:30 am today and left for mass at 8:30. I went to mass and sang doon sa parang choir namin. heehhehe interesting mga kanta namin ngayon kaya lng halos lahat slow songs at medyo mababagal kaya ayun... hehehehehehehe pero astig sobra kasi binigyan na nila ako ng dalawang bagong libro noong last practice namin na para sa mga choir people. heehheehhehe kakamiss talaga kumanta ng choir. anyways, after non, umuwi muna ako sandali at nagpahinga.
noong 1 pm na, bumalik ako sa church at nagkitakita sa parang youth ministry namin sa church. astig sobra... nagsamasama kami para maghike ngayon. heehhehehe kakatawa nga e kasi kasama ko sa likod ng kotse ang dalawang babae na grade 10 ata na sobrang daldal... heehehhehe as in sobrang kulit na kulit na ewan... heheehhehehe tapos kasama ko rin sina tony prophet at ung isa kong kaibigan na filipina doon... heheheeh daldalan lang kami sa kotse papunta... hehehehe
pagdating namin doon, ang ganda talaga... parang forest na may maliit na lake din sa gitna... kakapagod yung hike namin... mga 1 hour and 30 minutes kami naglalakad at halos buong time pa parang paakyat pa kami sa isang bundok. kasama pa namin yung mga aso so parang ang daming bigla bigla nalang dadaan. kakaaliw... dami kong nakilala sa grupo namin... mga 12 kaming youth doon at mga 3 na adult... =) anyways, nung umabot na kami sa taas, ang ganda sobra ng view!! grabe talaga yun... hehehehe parang nasa parang rock kami na nasa end of the trail at sobrang kitang kita yung buong fraser valley (yan yung lugar kung saan ako nakatira) at nakikita din namin yung fraser river na nagwiwind through the land.. ganda sobra.. anyways, nagpahinga lng kami dyan ng konte bago kami bumababa... mas mabilis talaga bumababa kasi pababa... heheheeh 30 minutes lang kami.. =) tapos dumaan muna kami sa parang middle school na malapit at sinundo namin yung pool table para sa church namin.. (lalagay namin sa basement kasi yan yung magiging tambayan namin) =D at pumunta kami sa bahay ng isa sa mga grownups at gumawa ng bonfire at kumain ng chips... sarap ng chips.. baboy... heheehhehehehe
anyways, after nun, umuwi na ako at nagaaral na ngayon ng baboy na calculus... =)
wow!!! ang haba ng journal entry ko ngayon ah... heehhe baboy!! =) ingatz nlng
Feb. 20th, 2004
08:49 pm - :)
sarap todo...
weekend na!!!! ehhehehehehehe
nakakapagpahinga ako ngayon... buong friday, la akong pasok kasi professional development day ng mga faculty sa school ko... tapos buong araw nlng ako nanood ng tv at naglaro... =D la lng..
mangiinggit lang ako sa mga college na nandyan na aral ng aral.... ehhehehehehehe
anyways, yun lang muna...
heheheeh
labo e... ang iksi iksi lng lagi ng sinusulat ko... =)
heehehehhehehe
Feb. 16th, 2004
08:11 pm - hahahahahaha
Astig ngayon.... medyo pagod na pagod lng ako ng todo pero ayos lng nmn... hehehehehehehe
inuwi ko yung guitar ko for the first time... heheheh kaya nakakapractice ako ng konteng konte sa bahay ngayon... =D pumasok ako ng mas maaga ngayon kahit la akong first class kasi nagaral ako ng konte bago magsimula ang klase...
grabe... medyo humihirap na yung calculus ngayon... =D ehhehehe kakasimula lng kaya puro review lng kme the past few weeks... heehheheeh
bukas may quiz pa ako sa calculus at may test sa chemistry..
tapos astig... nalalaro ko na yung "For he's a jolly good fellow" sa guitar!! =D
heheheehheheeh
tama pa yung nagagawa ko
at memorized ko na rin yung Jingle Bells.
astig din sobra yung Friends na episode kanina... ehehhehehe
naadict na ako sobra sa show na yun...
yun lang muna...
aral uli ako... ehheehhehehe
=P
bye bye
Navigate: (Previous 20 Entries)
